nagising na lang ako nang mahal na pala kita

Nagising na lang ako nang mahal na pala kita

Mga matang nangangambala

Pero sadyang ang iyo ang aking gustong titigan

Nagising na lang ako nang mahal na pala kita

Isang malaking taong may malambot na puso

Maaari ba itong tumibok para sa akin?

Para lamang sa akin?

Sadyang ‘di mapagtanto bakit nga ba?

O marahil, pwede nga ba?

Ang nararamdaman ay hindi pagdududa

Ngunit pag aalinlangan

Nagising na lang ako nang mahal na pala kita

At ‘di na pwede pang bumalik sa pagtulog

Ito ay totoo

Nagising na lang ako nang mahal na pala kita

Ako’y pakinggan

Leave a Reply

Discover more from den fernandez

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading