Ayoko Na

“Ayoko na”

Mga kataga ng pusong nababahala

Na sa dinami rami ng dapat pagdaanan

Ito ang nahirang sa akin

Sadyang katangi tangi 

– mula sa puso hangga’t sa isip

Ang laman ng bawat araw ay ikaw

Mga larawang tinatanaw

Mga palaisipan at bawat galaw

Bawat kibo, mapapatanong ng “ano raw?”

Pero sadyang talo ang ginaw

Sa bawat sulyap ng isang ikaw

Ilang beses ko na bang nasabing “Ayoko Na?”

Tila kay bigat ng aking tungkulin

Higit pa sa isang hangarin

Ang Kaniyang mandato ay kailangan kong tuparin

Alang alang sa mga nagmamasid

Ilang beses ko na bang nasabing “Ayoko Na?”

Noon ba nung hindi mo ‘ko sinadya?

O noong sadyang umasa ako sa wala?

Mahirap ang magmahal ng isang katulad niya

Ilang beses ko na bang nasabing “Ayoko Na?”

Noon ba nung pilit na ibinaon ang mga alaala

Parang wala namang siyang pangangalaga

Punong puno ako ng pagdududa

Kung ano nga ba ako sa kanya

Ayoko na

Ayoko nang maramdaman ito

Sa bawat paglipat ng pahina’y

– iniisip kung meron nga bang tayo

Meron nga bang tayo?

Teka, ayoko na ring malaman

Dahil ang taong seryoso ay may pakialam

Dahil ang taong seryoso ay sadyang ipapaalam

– sa akin bago sa lahat

– sa akin ng diretsahan

Ayoko na

Baka bukas ayoko pa

Pero para sa ngayon

Habang may bakas pa ng kahapon

‘Pipilitin na mabuhay ng wala ka

Leave a Reply

Discover more from den fernandez

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading