Sana nalaman ko na mahal mo pala ako
— Para man lang malaman sana ang gagawin, ang iisipin
Para lamang sana makapagdesisyon
Ikaw ba ay naghahanap ng solusyon?
Maaaring ako’y nagdedelusyon
Intindihin niyo sana ang sitwasyon
Na sa bawa’t larawan na nakikita’y napapangiti
Ang bawa’t linya at letra’y namumukod tangi
Sana nalaman ko na mahal mo pala ako
Kasi maaaring mahal na rin kita
Baka nga mahal na rin kita